yang at heart
anyway, kaya lang ako natuwa at nakita ko siya - di dahil sa binayaran niya ang pamasahe ko sa tricycle (pero kasama na yun) - kundi dahil napangiti niya ko nung araw na iyon. feeling ko masyado na ata akong nagiging seryoso sa buhay at wala ng panahon maghanap ng masaya sa maliliit na bagay. di tulad niya, punong puno ng positive vibes na parang di nauubusan ng energy. kinamusta niya ko at kinwentuhan. meron pa siyang mga tips na binigay tungkol sa.... - well, secret na lang yun, hehehe. gusto ko makita ang baby niya. tuwang tuwa siya habang nagkukwento. invite ko nga yun sa birthday ko, total naman malapit lang bahay nila sa'min. ang saya niya kausap - para akong nagkahangover dahil kahit nakababa na siya at nakauwi na ko, nakangiti pa din ako. nakakahawa pala talaga yun.
masayang makasama ang mga taong ganun. they effortlessly make life easy.
sana lahat tayo ganun na lang. e di sana mas okay ang takbo ng lahat ng bagay.
naks.
yun lang po. bow!

bouncy